Biyernes, Pebrero 13, 2015

Give HONOR for Our HEROES the FALLEN 44 :(






The SAFF 44 


Apa't naput apat na buhay ang ibinuwis para sa kapayapaan. Apa't naput apat din na pamilya ang ngayon ay nagluluksa. Kinitil ang mga buhay ng walang kaawa awa. 

“Sa kanilang mga murang edad, hindi nila alintana ang hirap dahil gusto nilang mapalawig ang kanilang kakayahan, ang kakayahan ng unit ng SAF sa pagtugis sa mga terorista.Hindi sila nagreklamo kahit sila ay dayuhan sa lugar na iyon. Naintindihan nila kung ano ang paghihirap ng mga mamamayan sa Mindanao kaya ipinagpatuloy nila ang kanilang pagtatrabaho doon na lagpas sa minimum tour of duty ng isang subtrooper para lang madeploy sa isang lugar at may karapatan na siyang ma-rotate pero pinili pa rin nila ang manatili doon. Mga taong walang ginawa kung hindi ang gawin ang trabaho nila.
Balita doon, balita doon. Kalikaliwang mga reaksyon ang mga naririnigSa kabila ng isyung iyon hindi nawala ang mga sumasalungat at naniniwalang ibinuwis ng SAFF44 ang buhay nila para makamit ang kapayapaan.Ngayon kayo ang tatanungin ko. Sila nga ba ay mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para lang mapigilan ang kagaguhan ni Marwan o hindi naman kaya sa para lang makuha ang malaking halaga na nakapatong sa ulo nya???